tagalog time muna tayo ngaun, bakit? wala lang, gusto ko lang mag sulat ng tagalog para naman di puro english dito hehehe pasensya na sa mga hinid taga pilipinas kasi hindi niyo ma iintindihan ang post ko ngaun. Wala kasi akong magawa ngaun, hintay ako ng hintay sa cliente ko para me magawa na ako. Pagod na kasi ako sa kakabasa, at kakastudy kuno! hahaha So yun, ng isip ako ng pwede kong ipost dito, na isip ko na mg hanap ng ibat-ibang pamahiin. Sa ngaun, pamahiin muna tayo para sa mga baby. Alam ko alam niyo din eto, sa amin wala msyadong pamahiin eh, na aliw ako ng nabasa ko ang mga ibat-ibang pamahiin baka pwedeng ma try ko yung iba kay baby. hehehehe Eto yung mga nabasa ko (pinag pilian ko lang para di msyadong mahaba):

♦ bawal patulugin ang bata around 5pm onwards -- kasi daw palaging magkakaroon ng tantrums.

♦ itago ang pusod, para daw kahit matanda na ang anak mo close pa rin sau -- naku! saan ko kaya nilagay ung pusod ni baby? waaa ngaun ko lang nalaman to ah

♦ bawal mag cut ng nails pag wala pg monday at friday -- bakit naman?

♦ ang 1st haircut pag nag 1 year old na, iipit sa libro ang buhok, or dapat daw yung mag gugupit matalino. - hmmm matalino kaya ung ng gupit kay baby?? lol

♦ bawal gumamit ng lampin na di naarawan -- kasi daw kakabagan.

♦ wag pa kiss sa mga batang di pa nagsasalita or sa mga dolls. -- bakit??

♦ bawal ilabas ang bata pag di pa nabibinyagan -- musta ka naman 2wks palang si baby eh nasa SM na kami. lol!!

♦ mag iwan ng gamit na damit sa baby pag umaalis para daw di tayo ma miss.

♦ wag ilalabas or ipapasok sa house si baby kapag tulog -- kasi baka daw maiwan ang soul ng bata?? ngek katakot namn!

♦ wag ihihiga ang baby sa tapat ng door -- baka daw lumabas ng house ang soul at mag-wander ::)

♦ wag hahakbangan ang baby -- baka maging bansot ;D

♦ wag iuupo sa table si baby -- baka magka-galis aso

♦ don't comb baby's hair kapag ala pa 1st year -- masusungki daw ang teeth

♦ wag ihaharap ang baby sa salamin dahil maduduling

♦ wag pauupuin sa shoulders mo si baby na karga mo dahil masusungki

♦ wag mo ipapahalik ang batang hindi pa nagsasalita sa doll or stuffed toy dahil matatagalan bago magsalita

♦ wag ipapahalik ang toddler na bulol pa sa baby dahil iintayin niya magsalita

♦ ilagay sa gutter ng bubong ang ngipin na natanggal kay baby para tumangkad --konek??

♦ pag na mo-mall, pwedeng hindi na palawayan si baby pag may bumabati sa kanya,, pag dating ng haus, ung suot na damit ni baby papakuluan sa tubig na may asin, or pakulan at ipunas sa kanya

4 Comments

Anonymous said…
unya oi, nitoo ka ani tanan?
ang raming pamahiin. wag na lang kaya mag baby. hehehe. pero ung kapatid ko lagi ung halik ng halik sa salamin nung bata kasi may malaki kaming salamin. Ang tgal nga bago nakapagsalita, mga 5 years old na cya. Akala nga namin bingi e. Buti hindi.
Bojoy said…
@ennah: nakU! c baby yenyen mhilig sa salamin.. hinahalikan din nya reflection nya.. tagal nmn nung 5yrs old ennah. wag nmn sana..
Bojoy said…
@chai: ehehehe sa uban oi, pero kanang uban was knwing ko ana badgirl..